Hidden Diary: Bigla lang pumasok sa isip ko, feeling ko parang nakakita ng multo yung mukha ko...
Oh, shocks…
Senior na ako pagkatapos ng bakasyon na ‘to.
Ayaw ko pa! Ang bilis talaga. Parang dati first year pa lamang ako, ni sabi ko pa dati sana maka-graduate na ako agad para makaalis na ako sa Pisay. Tapos ngayon, parang gusto kong bumagal. :( Paano ba naman kasi, parang bitin talaga. Minsan naiisip ko, paano kung naabutan ang batch namin ng K+12? Plus three years pa para sa amin. Kokonti na nga lang kami sa batch (63 lang kami), hindi ko pa nakakausap ng matino yung iba. Isama pa na hindi ko pa alam kung ano ang kukunin kong course pagkatapos…
Hay… ang bilis ng oras. Feeling ko mabilis lang ding matatapos ang bakasyon…





